342

Jun 30, 2020 @ 0:18

Kapamilya channel, TVplus bawal din-NTC

Kasama sa ipapatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng bagong Kapamilya Channel, gayundin ang digital TV receiver nito na TVplus.

Ayon kay NTC commssioner Gamaliel Cordoba, sila’y mag-iisyu ng alias cease-and-desist order para mabakuran din ang operasyon ng nasabing channel ng ABS-CBN dahil kasama umano ito sa prangkisa na nag-expire noong May 4 .

“Dapat ay hindi po nila ginagawa iyon dahil iyong ABS-CBN franchise na binanggit ninyo ay expired na. Mali po iyong ginagawa nila. That is a violation of the CDO,” ayon kay Cordoba.

“Ang sabi po ng Office of the Solicitor General is tama nga, kasama nga po ito at puwede po kaming mag-issue ng alias cease-and-desist order,” aniya pa.

Depensa ni ABS-CBN CEO at President Carlo Katigbak, hindi kasama ang Kapamilya channel sa cease and desist order dahil ito’y pinapalabas sa AMCARA Channel 43, na dinepensang hindi pagmamay-ari ng network.

Aniya, ang nasabing channel ay nasa ilalim ng block-time arrangement kung saan bumili sila ng airtime para maere ang kanilang mga programa.

“The cease and desist order does not cover Channel 43. It’s not on the list… A block-time arrangement is a standard commercial agreement that is quite common in the broadcast industry. Many other broadcasters do this as well,” saad ni Katigbak. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?