84

By

Kapalit ni Pacquiao hinahagilap

Hinahanap na ang susunod sa yapak ni WBA 147-pound champion at natatanging eight-division titlist na si Manny Pacquiao.

Ito ay matapos inanunsyo ng mga local and foreign boxing coach na hina-hunting na ng mga ito ang puwedeng pamalit sa Pinoy ring icon.

“We, the coaches, are looking for boxers who would become the next Manny Pacquiao so we teach them everything, including discipline and humility,” pahayag ng dating boksingero na si Antony Ornopia.

Ngunit sa isang kondisyon aniya ay kailangang nasa wastong pag-uugali ito.

“The number one trait I look for in a boxer is the attitude,” aniya.

Ilan pa sa kanilang kwalipikasyon ay ang taglay na kaugaliang determinado, masunurin at disiplinado.

“It’s a bonus if the boxer looks good, too,” sambit pa nito.

Hindi maikakailang isa ang fighting senator sa pinakakilala at notable boxer sa kasaysayan ng boxing world.

Sa katunayan, pati halos ibang bansa ay ginagawa siyang manok at hinahangaan sa husay sa loob ng ring

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?