60

Kapalit ng kabibe, octopus sinurender ang plastic cup sa diver

Nakipag-negosasyon ang isang scuba diver sa isang baby octopus na ginawang tahanan ang plastic cup.

Ilang kabibe na ang inalay ni diver Pall Sigurdsson sa octopus, ngunit ayaw nitong lumipat.

“I am no stranger to seeing octopi making homes out of trash. They are clever animals and use their environment to their advantage, and trash is a permanent part of their environment now,” saad ni Sigurdsson sa Bored Panda.

“However the octopus with its soft tentacles did not know that this cup offers virtually no protection, and in a competitive environment like the ocean, this cup was a guaranteed death sentence,” dagdag nito.

Sa huli, nagandahan na ito sa isang kabibe at lumipat na ng tahanan, ngunit ‘di pa rin nito pinakakawalan ang kanyang plastic cup.

Lumayo nang kaunti ang diver, at doon pinakawalan ni baby octopus ang plastic cup.

Mapanonood ang kanilang ‘transaksiyon’ dito:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?