31

By

Kapag sinabing Manila, alam na Pilipinas ‘yun – Sotto

“Manila represents the entire country.”

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay sa isyu ng pagpapatugtog ng “Manila” song sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games noong Sabado.

“Inclusion ‘yung sinasabi ng iba e. Hindi, its representation. Manila represents the entire country anywhere you go in the world,” aniya.

Dagdag pa niya, kapag sinabing Manila ay alam na agad ng ibang nasyon na Pilipinas ang tinutukoy dito.

Pag sinabing Manila, alam na nilang Pilipinas ‘yun,” wika pa ni Sotto.

Nag-ugat ang isyu sa kantang “Manila” matapos itong kuwestiyunin ni Davao City Mayor Sara Duterte.

“Di po ba Philippine flag ang dala? Why would you play the song Manila? Did Lapu-Lapu die for Manila? Wag po natin gawing excuse ang upbeat danceable song. Kami nagimbento ng budots. Kaloko man oie. We should be inclusive when we want to encourage our countrymen to cheer,” aniya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?