1,189

By

Kapag namatay lahat ng pari, bubuti ang mundo – Duterte

Muling binira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari, partikular ang mga alagad ng Simbahan na nasasangkot sa eskandalo gaya ng pangmomolestiya at rape.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cagayan de Oro City, sinabi ng Pangulo na mas gaganda ang mundo kapag namatay lahat ang pari.

Hangga’t patuloy aniyang nakikialam ang Simbahang Katolika, lahat ng gobyerno sa buong mundo ay magulo maging ito man ay sa Chile, South America at iba pa.

Muling nanariwa ang galit ng Presidente sa mga alagad ng Simbahan matapos ipagdasal siyang mamatay na sana, kaya aniya nabanggit niya rin na patayin ng mga durugista ang mga pari at obispo.

“These priests run around saying, ‘Duterte is calling for the…’ Tama. That’s true. To the priests who raped children and fondled balls, you sons of b****** I will really kill you. Bakit ako matakot? If you all get killed tonight, that would be better. Then we will have a better world. All governments in the world, for as long as the Catholic Church interferes with governance, are chaotic. Whether it’s in Chile, South America. As long as there are priests. That has been the case since the olden times,” anang Pangulo.

Hinimok ni Pangulong Duterte ang publiko na basahin ang librong “Altar of Secrets” at kapag natapos at naniwalang mabuti pa rin ang Simbahang Katolika ay luluhod ito sa Luneta at hihingi ng kapatawaran.

“This one was locally produced. I’ll leave it here for you to peruse. I’ll wager that once you finish reading this and you are still able to tell me that the Catholic Church is good, I will kneel there at the Luneta to ask for forgiveness. This one here is called Altar Secrets,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?