87
Bahay ng Kapa founder, 2 coop office sinalakay ng NBI
By

Kapa founder, mga opisyal, kakasuhan ng estafa

Nahaharap sa reklamong syndicated estafa ang mga founder at ilang opisyal ng religious group na Kapa-Community Ministry International dahil sa bintang na pangsa-scam nito sa kanilang mga miyembro.

Inihain ng National Bureau of Investigation nitong Lunes ang kaso kontra kina Kapa founder Pastor Joel Apolinario at 13 pang miyembro ng religious group.

Kasama pa sa mga ikinaso ng NBI ay ang paglabag sa Securities and Regulation Code kontra sa Kapa dahil sa mga maanomalyang mga transaksyon nito gamit ang religious group.

Una nang naghain ang Securities and Exchange Commission kontra Kapa dahil sa pagkakasangkot sa Ponzi scheme.

Ayon sa SEC, hinihikayat ng Kapa ang mga miyembro na mag-donate ng nasa P10,000 bilang ‘donation’ at lalago umano ng abot sa 30 percent na tinatawag nilang ‘blessing’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?