347

By

Kanta na binatikos ni Sara Duterte sa SEA Games, dinepensa ng songwriter

Nagsalita ang isa sa miyembro ng Hotdog na nagsulat ng “Manila” song na ginamit sa parada ng mga atletang Pilipino sa 30th SEA Games opening ceremony na binatikos ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa Instagram post ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Linggo, nireklamo nito na dapat kinunsidera ang inclusivity sa gagamiting kanta dahil hindi naman lahat ng Pilipino ay Tagalog o nakatira sa Manila.

“Why would you play the song Manila? Did Lapu-Lapu die for Manila? Wag po natin gawing excuse ang upbeat danceable song. Kami nagimbento ng budots. Kaloko man oie. We should be inclusive when we want to encourage our countrymen to cheer,” ayon kay Inday Sara.

Sa Facebook post sinabi ni Dennis Garcia, isa sa songwriters ng “Manila”, isinulat nila ang kanta na hindi nila ikinonsidera ang kanilang sarili na Tagalog, Bisaya o Ilokano pero bilang isang Pilipino na nami-miss ang Pilipinas.

“Rene & I created “Manila”, not thinking of ourselves as Tagalogs, Bisayans or Ilokanos but as Filipinos missing the Philippines,” post ni Garcia. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?