29

By

Kano hinatulan sa pagpeke ng visa ng 2 Pinoy

Sinentensiyahan ng tatlong taong probation ang isang Amerikanong negosyante dahil sa pamemeke ng visa.

Kaugnay ito sa kaso niya matapos aminin ang pamemeke sa immigration documents ng dalawang Pilipino para makatira sa Amerika kapalit ng pagbawas sa paychecks ng mga biktima.

Hinatulan si John Carl Rogge, 46, may-ari ng LBR Management and Northwest Placement LLC, ni U.S. District Judge Susan Watters ng probation at pinagmulta rin siya ng $10,000.

Una nang naghain ng guilty plea si Rogge noong Mayo sa two counts ng “making a false statement on an immigration document”.

Taong 2015 nang makapasok nang legal sa Amerika ang dalawang Pilipinong biktima gamit ang H-2B visas, na kadalasang ginagamit sa mga seasonal o tourist-heavy area.

Nagtrabaho sila sa isang restaurant sa Sidney pero nang mag-e-expired na ang kanilang mga visa, nagpatulong sila kay Rogge.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?