47

Jan 11, 2020 @ 20:47

Kampeonato pangako ni Derrick sa La Salle

Championship or nothing.

Ganito ang pangako ng bagong De La Salle head coach na si Derrick Pumaren matapos pangalanan bilang bagong mentor ng Green Archers.

“I was told right away that we want to win the championship. Syempre, I told them that I didn’t come in for the job. I came here to win and that’s my ultimate goal, to give a championship for La Salle,” sey ni Pumaren sa balitang unang lumabas sa Spin. Ph.

Nauna nang nabigyan ni Pumaren ng korona ang DLSU taong 1989 at 1990, hindi aniya ito imposible sa malapit na hinaharap.

“Probably it’s not gonna happen right away, but I can guarantee I can give it all,” dagdag nito.

Balak din ni Pumaren na gayahin ng Green Archers ang pagiging disiplinado ng Ateneo kaya madalas itong magkampeon.

“I want my team to be a disciplined team in and out of the floor because you win games by playing disciplined basketball,” aniya.

“I think Ateneo is unbeaten cause they play disciplined basketball and you cannot just go crazy when you play Ateneo, you have to be in control, you have to be disciplined, you have to work in the system and believe what youre doing to beat Ateneo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?