66

By

Kampeonato inalay ni Tenorio sa mga nasalanta sa Batangas

Limang kampeonato na ang nakuha ni Tenorio sa PBA, ngunit tinuturing niyang pinakaespesyal ang 2019 PBA Governor’s Cup trophy.

Sa kasagsagan ng PBA Finals, pumutok ang Taal Volcano sa Batangas, na hometown ni ‘Tinyente’.

Kaya naman mas dagdag ang motibasyon para sa Batangueño na masungkit ang kampeonato ngayong conference para sa kanyang mga kababayan.

“Tibay lang ng loob, sana napasaya namin kayo sa championship na ‘to,” ayon kay Tenorio, na nag-ambag ng 12 points, tigtatlong assists at rebounds sa Game 5 kung saan kinuha na ng Ginebra ang kampeonato, 105-93.

Isa pa sa naging sopresa kay Tenorio ay ang pagtapos nila nang maaga ngayong serye, noong mga nakaraang laban nila kontra Meralco ay umabot hanggang Game 6.

“We’re really underdogs, we thought we’re gonna stretch in Game 7 against Meralco,” ayon kay Tenorio.

Ngayon ay balik sa tuktok ang Ginebra, tatlong kampeonato sa PBA Governor’s Cup sa nagdaang apat na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?