28

Kamara, SC nagsuspinde ng trabaho dahil kay ‘Tisoy’

Tuluy-tuloy ang mga suspensiyon ng klase at trabaho sa bansa dulot ng pananalasa ng Bagyong “Tisoy” ngayong Martes ng umaga.

Kanselado ang trabaho sa House of Representatives ngayong umaga. Suspendido rin maging mga pagdinig, sesyon, at iba pang kaganapan doon ngayong araw.

Pinaabot din ng Supreme Court (SC) sa Twitter na mula alas-dose ng tanghali ay kanselado ang trabaho sa lahat ng NCJR courts, kabilang na ang SC, Court of Appeals, Sandiganbayan.

Sa pinakahuling weather forecast na nilabas ng Pagasa ngayong alas-otso ng umaga, namataan si Tisoy sa coastal waters ng San Francisco, Quezon. Sa pinakahuling weather forecast na nilabas ngayong alas-otso ng umaga, Martes, namataan si Tisoy sa coastal waters ng San Francisco, Quezon.

Sa Huwebes, inaasahang lalabas si Tisoy sa Philippine Area of Responsibility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?