81
Kamara nam-bully para may pork sa 2019 budget
By

Kamara nam-bully para may pork sa 2019 budget – Hontiveros

Dinaan umano ng Kamara sa “bullying” ang Senado kaya hindi natanggal sa panukalang 2019 national budget ang malalaki nilang pork barrel insertions.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB, sinabi ni Hontiveros na nagsikap sila sa Senado na matanggal ang pork barrel items pero nambraso ang mga konggresistang kasapi ng contingent ng Kamara sa Bicameral Conference Committee.

“Sinubukan namin ‘yan sa Senate version (na tanggalin ang pork)… pero ang nangyari sa nakaraang linggo, nakita ang bullying ng House of Representatives dahil may mga tinukoy na unconscionable amount para sa ibang pinapaborang geographic unit,” sabi ni Hontiveros.

“May mga effort na tanggalin ang anomalyang yan, pero nanatili sa badyet hanggang sa huli,” dagdag ng senadora.

Una nang ibinulgar ni Senador Panfilo Lacson na may P160milyong pork barrel ang bawat konggresista habang bilyon-bilyong piso para sa liderato at malalapit sa liderato ng Kamara.

Inamin ito ni Camarines Sur Congressman Rolando Andaya, na chairman ng Senate Committee on Appropriations.

Ayon kay Hontiveros, nasa kamay na ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbura sa pork barrel items sa pambansang badyet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?