70
Kamara ipatatawag ang pamunuan ng Facebook at YouTube dahil sa mga Bikoy video
By

Kamara ipatatawag ang pamunuan ng Facebook at YouTube dahil sa mga Bikoy video

MANILA – Ipatatawag ng Kamara sa susunod na linggo ang mga opisyal ng Facebook at YouTube upang magbigay-linaw sa mga nagsilabasang video at propaganda sa kani-kanilang mga platform nitong mga nagdaang kampanyahan lalo ang mapanirang video ni “Alyas Bikoy” na may titulong “Ang Totoong Narcolist.”

Ayon kay Deputy Minority Leader at Ako Bicol Partylist Alfredo Garbin, dapat umanong magpaliwanag ang pamunuan ng Facebook at Google na may-ari ng YouTube dahil magpasahanggang ngayon ay naka-post pa rin sa kanilang mga website ang mga video ni Alyas Bikoy sa kabila ng pag-amin ni Peter Joemel Advincula na gawa-gawa lamang niya ang mga nabanggit na akusasyon doon kung saan idinawit niya ang mga taong malalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.

Paliwanag ni Garbin, may responsibilad ang pamunuan ng Facebook at YouTube na kusang tanggalin ang mga nasabing mapanirang video lalo pa at umamin na si Advincula na orchestrated o puro imbento lamang ang nilalaman ng Bikoy videos matapos umano siyang utusan ng ilang personalidad mula sa oposisyon.

Bukod sa mga taong malalapit sa Pangulo, idinawit din ni Advincula sa kanyang “Bikoy videos,” lalo na sa huling episode nito ang Misibis Bay ng pag-aari ni incoming Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, kung saan mayroon umanong malaking planta ng shabu sa basement ng nasabing mamahaling resort.

Wala umanong aksyon na ginawa ang pamunuan ng mga nasabing social media companies ayon kay Garbin sa kabila na hiling ng kampo ni Co na agarang alisin ng ikalimang episode ng Bikoy video sa kabila ng pinaka bagong rebelesyon ni Advincula.

“Social media platforms such as Google’s YouTube and Facebook owe it to the public to confirm the veracity of statements and videos posted,” saad ni Garbin.

Giit pa ng kongresista, hindi na dapat nagdalawang isip ang pamunuan ng Facebook at YouTube na tanggalin sa kanilang websites ang mga Bikoy video noong mga panahon na inilantad ni Advincula na pawang kasinungalingan lamang ang mga ibinulgar niya laban sa mga binanggit niyang personalidad.

“Unfortunately, to this day, despite the timely, reasonable and lawful demand, the said libelous video is still live online and accessible at both Facebook and YouTube, and is available 24/7 for viewing by the general public,” saad ni Garbin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?