20

May 14, 2020 @ 19:13
By

Kalsada sa California, dinumog ng mga nakawalang kambing

Binulaga ng sandamakmak na mga kambing ang isang residential area sa San Jose, California matapos na mapuno ang kalsada ng nasabing hayop.

Sa tweet ni Zach Roelands, makikita ang paglalakad ng mga kambing, na nakawala umano sa bakuran, at makikita pang kumakain ng halaman sa kanilang mga bakuran.

“I’m dead. When I got back from the store all the goats had broken through the fence and were recking havoc on our street,” sey ni Roelands.

“This is the craziest thing to happen all quarantine,” aniya pa.

Ayon kay Roeland sa panayam sa USA Today, safe namang nakauwi ang mga kambing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?