153
Kalmot ng ligaw na pusa, nagpahina kay Des Cheng
By

Kalmot ng ligaw na pusa, nagpahina kay Des Cheng

Mapapansin sa laban ng DLSU Lady Spikers at FEU Lady Tamaraws noong Linggo na hindi masyadong naging productive si team captain Desiree Cheng para ipanalo ang kanyang koponan.

Tanging dalawang puntos lang ang naihatid ng graduating hitter, labas pasok pa sa dalawang huling set ng laban.

Ibinahagi ni La Salle head coach Ramil de Jesus ang dahilan, ito ay matapos makalmot ang open spiker ng isang ligaw na pusa malapit sa tinutuluyang dorm nito.

“Nung weekend kasi, nakalmot ng pusa tapos nagpa-vaccine. ‘Di pinag-ensayo nang ilang araw so kanina, medyo mababa (ang laro),” kwento ni coach de Jesus.

Ngunit ganun pa man ay malaki pa rin ang tiwala ng multi-titled coach sa kanyang manlalaro lalo na’t kakailanganin ng koponan ang pwersa at leadership ni Cheng para sa kanyang teammates.

Makakaharap ng defending champions para sa battle for 2nd seed at twice-to-beat advantage ang UST Golden Tigresses sa Miyerkoles, 3:30pm na gaganapin sa FilOil Flying V Centre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?