49

By

Kaliwa’t kanang vote-buying karamihang reklamong natatanggap ng PNP

Kaliwa’t kanang vote-buying ang karamihan sa mga reklamong natatanggap ng Philippine National Police (PNP) sa mga unang oras ng botohan sa iba’t ibang lugar nitong Lunes (Mayo 13) ng umaga.

Subalit ayon kay PNP chief General Oscaralde, kanila pang biniberipika ang nasabing ulat ng mga vote-buying.

Nakikita natin ‘yung massive talaga ‘yung vote buying incidents. Reports of vote-buying ay kaliwa’t kanan,” pahayag ni Albayalde sa isinagawang press briefing kaninang umaga sa Camp Crame.

“Although some of the reports are hindi confirmed and not actually true, noting that complaints may have been exaggerated by the candidates or their supporters,” dagdag pa ng opisyal.

Base sa pinakahuling ulat ng National Election Monitoring and Action Center (NEMAC) sa Camp Crame, umaabot na sa 100 insidente ng vote-buying ang naitala sa ibat-ibang lugar sa bansa kung saan 234 ang nadakip na suspek habang 10 iba pa ang nakatakas.

Ang national Capital Region Police Office (NCRPO) ang may pinakamarming huli ng vote-buying na nagtala ng 155 ng huli na sinundan ng Police Regional Office (PRO) 4-A na may 31 naaresto; tig walo namang suspek ang naaresto ng PRO 5 at PRO 6; 7 naman ang nadakip sa PRO 1, habang tig anim ang nadakip sa PRO 12 at PRO 9; 5 katao naman ang nahuli sa PRO13; habang apat sa PRO 7 t tig 2 naman ang naaresto sa PRO 2,10, 11, at Cordillera region.

Samantala 43 election related violence ang naitala ng PNP kung saan 20 katao ang nasawi habang 24 na iba pa ang sugatan.

Ang nasabing datos ay mas mababa ng 60 porsyento kumpara sa naganap na 106 na election related incidents noong 2016 election.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?