799

Kalidad ni Sotto pang-NBA first round – ex-Gilas coach

Kung ang dating Philippine national team head coach ang tatanungin, si Kai Sotto na ang posibleng kauna-unahang homegrown talent na makatungtong sa pinakamalaking liga sa buong mundo.

Saad ni Rajko Toroman, unang naging coach ng Gilas program, sa angking tangkad ang husay ng 16-anyos, walang duda na siya na ang pinakamalapit na purong Pinoy na makabutas sa NBA.

“One of the tallest Filipinos, he is very talented. He is very young. He has a great future,” ayon sa Serbian national sa report ng Spin.ph. “I cannot predict if he can make it to Top 10, [but] he can be first Filipino in draft, for sure.”

Kakaibang hulma ang 7-foot-2 prodigy na anak ng dating PBA player na si Ervin Sotto, bukod sa haba nito ay nagtataglay din ito ng saktong liksi para makasabay sa court. Ilan pa sa dapat tingnan ay ang pambihirang shot blocking skills nito at scoring touch.

“With his size and talent – and I hope he improves more and grows muscle – I think he can be a first-round draftee in the future,” aniya pa.

Nasa Atlanta, Georgia ngayon sa USA si Sotto para simulan ang NBA dream, dalawang buwan na mananatili sa training facility ng NBA team na Atlanta Hawks at matapos ay malalaman kung saan pipiliin maglaro, sa Amerika ba o sa Europa.

There are good big men from the Philippines before, but they weren’t able to go a few notches higher because they opted to stay in the Philippines,” saad pa.

Ibinulgar pa ni Toroman na isang koponan sa Serbia, ang KK Partizan, ay nagpakita ng interes sa binata, ngunit tingin ng beteranong mentor, mas mahahasa pa si Sotto sa Amerika kaysa makipagsapalaran sa Europe.

“For Kai, I think NCAA is the better option than Europe because Filipinos play close to American style of basketball,” paliwanag niya. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?