51

Kalei malaking kawalan – Aby

Lubhang nalungkot ang Philippine women’s volleyball squad dahil hindi na nila makakasama si Kalei Mau para sa 30th Southeast Asian Games.

Ayon sa miyembro ng national squad na si Aby Maraño, malaking kawalan sa koponan si Mau lalo pa’t target nilang maka-gold sa November 30-December 11 biennial meet.

“Nakasama namin siya ng matagal, ilang buwan kaming magkakasama, sa hirap at ginhawa ng national team kasama namin siya,” sabi ni Maraño sa balitang lumabas sa Spin.ph.

“Maalala ko lang ‘yung training camp namin sa Thailand, grabe ang paghihirap ni Kalei doon. Kung sa 100 percent, 200 percent ang binibigay niya sa training.”

Inihayag ni Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. President Joey Romasanta na kinulang sa minimum two-year residency ang Fil-Hawaiian player na si Mau, University of Arizona standout sa NCAA Division 1 sa Amerika.

“She’s always optimistic, everyday na makikita ko siya, lagi niyang sasabihin na, ‘Hi, sissy, let’s get better!’ and she will always ask us, ‘How was your sleep last night? Are you feeling well?’ Parang iha-hype niya kami. Mga simpleng bagay na ganoon malaking bagay [para] sa team,” panapos ni Aby.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?