57
Kalahati ng mga Pinoy, masaya sa kanilang love life – SWS
By

Kalahati ng mga Pinoy, masaya sa kanilang love life – SWS

Marami pa rin ang naniniwala na may forever matapos lumabas sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) na kalahati ng mga Filipino ang masaya sa kanilang buhay pag-ibig.

Sa survey na isinagawa sa 1,440 adults nationwide mula Disyembre 16-18, 2018, 51 porsiyento ng Filipinos ang nagsabing “very happy” sila sa kanilang love life habang 36% lang ang hindi masaya at 13% ang walang mga love life.

Samantala, lumabas din sa survey na mas maraming kababaihan ang single women kumpara sa kalalakihan.

Nasa 59 porsiyento ang mga Pinay na walang karelasyon habang 43% ang mga lalaking walang ka-forever.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?