190

By

Kalahati ng LGUs, walang Bahay Pag-asa para sa batang gumawa ng krimen

Nasa kalahati ng mga lokal na pamahalaan ang walang Bahay Pag-asa o anumang institusyon kung saan maiparereporma ang mga itinuturing na children in conflict with the law (CICL).

Ayon sa Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC), 63 lamang ang local government unit (LGUs) at mga highly-urbanized cities (HUCs) na mayroong Bahay Pag-asa o 53% ng kabuuang bilang ng mga lalawigan at maunlad na siyudad.

Sa bilang na ito, 60 ay pinangangasiwaan ng mga LGU, tatlo ang pinatatakbo ng mga non-government organization habang lima ay sarado dahil sa sari-saring dahilan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights ukol sa pagpapababa ng minimum age of criminal responsibility, sinabi ni Atty. Tricia Clare Oco, executive director ng JJWC, na hindi lahat ng bukas na Bahay Pag-asa ay nakatutulong sa mga batang gumawa o nasangkot sa krimen.

Karamihan umano ay kulang sa pondo at mga tauhan habang wala pa kahit isa sa mga ito na mayroong Comprehensive Local Juvenile Intervention Program (CLJIP) n autos ng Juvenile Justice Law (JJL).

Sa batas na ito, ang LGUs dapat ang gumastos sa Bahay Pag-asa at mga programa para sa mga CICL pero nasa 33 porsyento lang ng mga ito ang sumunod sa batas na maglaan ng 1 % ng Internal Revenue Allotment (IRA) sa mga programa para sa CICL.

Samantala ay 3 % ang ng LGUs ang may licensed social worker.

Dahil dito, sinabi ni Senadora Risa Hontiveros na ang pagpapatupad ng JJL ang dapat na atupagin sa halip na puntiryahing ikulong ang mga bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?