201
Kalaban ko ang sarili kong gobyerno – Duterte
By

Kalaban ko ang sarili kong gobyerno – Duterte

Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi madali ang paglaban niya sa iligal na droga kung ang sarili niyang gobyerno ang kanyang kaaway.

Isa sa naging pangako noong kampanya ng dati noong alkalde na si Duterte na resolbahin ang krimen at iligal na droga sa bansa sa loob lang ng anim na buwan.

Matapos ay humingi ito ng six-month extension sa kanyang drug crackdown dahil nagulat siya sa laki ng problemang kinakaharap sa krimen at iligal na droga nang maging pangulo siya.

Sa pagsasalita niya sa Peace and Order Summit for Barangay Officials sa Legazpi City, Albay, inamin ng Pangulo na nagkamali siya sa pagde-deadline sa kanyang sarili sa pagbura sa iligal na droga.

“I boasted that I can end the illegal drugs trade in six months. I really thought I could do it. How can I solve it in six months if my enemy is the Bureau of Customs (BOC), police generals, all those in NAIA? My enemy is my own government,” aniya.

Matatandaang sa kabila ng pinaigting na war on drugs ng gobyerno, bilyong pisong illegal drugs shipments ang nakalusot sa BOC noong nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?