1,392

By

Kakosa ni Cayetano, tinawag na ‘langaw sa tae’

Inihambing ni Pinoy rock musician Dong Abay sa mga langaw na nakapalibot sa tae ang mga kasangga ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa kanyang tweet nitong Martes, sinabi ng Yano frontman na ang mga nagtatanggol sa politikong trapo ay mga “langaw sa tae”.

“Ang mga Pilipinong nagtatanggol sa mga pulitikong trapo ay mga langaw na nakapalibot sa tae,” aniya.

Kabi-kabila ang mga pambabatikos ngayon kay Cayetano dahil sa mga aberya sa pagho-host ng bansa sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee na kanyang pinamumunuan ang organizing committee ng SEA Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?