301

By

Kakahiya! Angelica Panganiban binatikos sa pag-selfie sa Holocaust Memorial

Binansagang “insensitive” at “ignorante” si aktres Angelica Panganiban matapos gamitin pang-OOTD picture ang Holocaust Memorial site sa Berlin.

Ang Holocaust ang period noong World War II kung saan minasaker (genocide) ang nasa anim na milyong European Jews, nasa two-third ng Jewish population sa Europe. Ginawa ito noong 1941 hanggang 1945 ng Nazi Germany, at mga collaborator nila, sa German-occupied Europe.

Sa kanyang paglilibot sa Europe para ipagdiwang ang ika-33 na kaarawan, namataan ang dalawa sa Instagram story ni Angelica sa Memorial to the Murdered Jews of Europe.

Sa isang kuha, nagbiro ang aktres at sinabing binili niya na ang bansa at binida ang kanyang OOTD o outfit of the day. “Tabi! Dadaan ang madam, ” caption pa nito.

Pinasalamatan niya naman ang kanyang photobomber sa ikalawang IG story.

Na-offend ang mga netizen sa ginawa ni Angel, at pinayuhan ang aktres na burahin na ang “insensitive” post.

“This was done in poor taste and unfortunately, she hasn’t taken it down. It’s not people being overly sensitive pero that’s a place to commemorate a horrible part of history not ootd,” saad ni @crissy_gstar.

“Napaka sensitive pagdating sa lalaki pero napaka ignorante sa ibang bagay,” sabi naman ni @tayjsch.

“well well *maleficent’s voice* . common sense is not that common after all,” banat ni @fuklusau.

“You just can’t take a photo at the Holocaust Memorial while joking that you just bought the country and for an OOTD post, no less. Learn the history of places you travel to and be respectful. Even without educating yourself about the Holocaust there’s still a thing called common sense. Not everything is for your selfies, jokes, or outfits. JUST NO! DELETE DELETE DELETE!!,” ayon naman kay Dexie Wharton sa Feisty Momma.

Pinayuhan din nila si Angge na alamin muna ang kasaysayan ng mga pinupuntahang lugar bago kumuha ng mga selfie o OOTD picture.

“Medyo kulang sa research si madam,” sey ni @rannemawanhaf.

“angge, wag ganun. if u didnt finish school, educate yourself through reading,” ayon naman kay @Caseyyooo.

Una rito, matatandaang kinontra na ni author Shahak Shapira ang mga nagse-selfie sa Holocaust Memorial.

Sa kanyang proyektong “Yolocaust,” pinalitan ni Shapira ang background ng mga nag-selfie, mula sa mga stone block, pinalitan ng patung-patong na katawan o kalansay ng mga Nazi victim.

Makikita ang ilan sa mga in-edit na larawan dito: https://www.demilked.com/holocaust-memorial-selfies-yolocaust-shahak-shapira/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?