65
knife
By

Kainuman kinatay ng mag-utol

Pinatay sa taga ang isang lalaki matapos mauwi sa selosan at pagtatalo ang isang inuman sa Lopez, Quezon, Linggo ng gabi.

Tama ng taga sa leeg at kamay ang agad ikinasawi ng biktimang si Raymundo Satuna Malaca, 30 anyos, residente ng Barangay Concepcion.

Batay sa report, dakong alas-7:45 ng gabi nang magkagulo ang inuman sa bahay ng isang Mark Anthony Nuñez dahil sa mainitang pagtatalo na kinasasangkutan ng magkapatid na suspek na sina Jonas Santa Cruz at Glenn Santa Cruz at kainumang si Dave Nuñez dahil sa pagseselosan.

Naawat naman ng biktima ang kaguluhan hanggang sa magsiuwian na ang mga magkakainuman, maliban sa biktima.

Subalit bumalik ang mga suspek bitbit ang tig-isang itak at walang awang pinagtataga ang biktima.

Mabilis ding tumakas ang magkapatid na suspek na ngayon ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?