86
Kai-ya mo yan! Suporta bumuhos sa paglisan ni Sotto
By

Kai-ya mo yan! Suporta bumuhos sa paglisan ni Sotto

Sa panibagong pagsubok na haharapin ng Pinoy teen prodigy na si Kai Sotto, umapaw ang kanyang natanggap na suporta mula sa PH sports community.

Inanunsyo ng 16-anyos na si Sotto ang napipintong pag-alis sa Ateneo Blue Eaglets para mag-ensayo abroad at posibleng pumirma ng kontrata para sa isang European o American ball club.

“Nakapag-decide na po ako at ang pamilya ko. I’ll be leaving soon to start training full-time. I want to devote the next two or three years to single-mindedly focus on my goal of joining the NBA by 2021 or 2022.”

Sa Twitter, marami ang nagpahatid ng pagsuporta sa batang atleta, na posibleng maging kauna-unahang full-blooded Pinoy sa NBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?