38
Kai tuloy ang pasikat sa US
By

Kai tuloy ang pasikat sa US

Sa patuloy na nilalara ni Kai sa Atlanta-based team na The Skills Factory, hindi malayo na sa mga susunod na buwan ay magkaroon na siya ng formal offer sa mga US NCAA Division I school.

Sa New Jersey tournament na Metro Classic, muling nanguna si Kai para sa TSF kontra sa The Patrick School National nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Gayunpaman, nakalusot ang The Patrick School National sa iskor na 78-76.

Tumapos ang Pinoy cager tangan ang 16 points, pitong rebounds at dalawang blocks, kung saan inipon pa ng basketball highlight reel account na Ballislife.com ang kanyang mga pambihirang galaw.

Ilang collegiate team na ang binisita ni Sotto, ang pinakabago ay ang unofficial visit nito sa Auburn University, ang eskuwelahan kung saan nanggaling si NBA legend Charles Barkley.

Sa ESPN top 100 Class of 2020 ay nasa ika-75 na pwesto na si Kai, pang-11 naman sa mga sentro sa nasabing draft class.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?