519

By

Kai Sotto, MVP na sa Amerika

Hindi man makakalipad si Kai Sotto para makasama ng Mighty Sports na sasabak sa Dubai International Basketball Championship ay hinirang naman ito bilang MVP ng King Invitational para sa koponang ‘The Skill Factory’ o TSF.

Naging batayan ng MVP title ang nilista ng 17-anyos na player na average na 27 points, 10.6 rebounds, 3.0 assists at 4.3 blocks at kargahin ang TSF sa malinis na 3-0 kartada.

Dahil dito ay naging malaking puntos ito upang maisakatuparan ang kanyang pangarap sa US na makuha ng alinmang NCAA school at kung papalarin ay pati na rin sa NBA.

Magugunitang ini-scout na rin ang 7-foot-2 cager ng iba’t ibang NCAA affiliated schools gaya ng Auburn University, University of Kentucy, Georgia Tech at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?