102

By

Kai Sotto inungusan sina Doncic, LeBron Jr.

Pinatunayan ng 7-foot-2 behemoth na si Kai Sotto na isa siya sa mga top young prospect ngayon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Sa international sports site na draftexpress.com, top trending ang pangalan ni Sotto na naungusan pa ang ilang sa mga bigatin sa liga tulad nina Dallas Mavericks star Luka Doncic, LA Clippers big man Montrezl Harrell, Utah Jazz guard Donovan Mitchell at anak ng LeBron James na si Bronny.

Gumagawa ng pangalan ngayon si Sotto para sa The Skill Factory team kung saan gumawa ito ng 20 points, limang rebounds at tatlong assists sa 2019 National Prep Showcase kontra Albertus Magnus College Athletic Center sa New Haven, Connecticut.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?