33

May 19, 2020 @ 16:43
By

Kai Sotto adik sa asaran, murahan

Hindi lang basketball ang kinakahiligan ng Pinoy NBA prospect na si Kai Sotto.

Ito’y dahil madalas din pala itong manood ng FlipTop battle, isang professional rap event kung saan maghaharap ang dalawang panig para magpaastigan sa rap.

Ginagamit sa Fliptop ang pangdi-‘diss’ kung saan aasarin, na minsa’y nahahaluan ng mura, ang kalaban para manalo.

Sa Instagram story ni Kai, chill ito habang nanonood ng mga FlipTop battle.

Na-special mention pa nito ang FlipTop artist na si Anygma na nais niyang mapanood ng live.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?