42

By

Kai ng EXO hinirang na bagong Global Ambassador ng Gucci

Si Kim Jong-in ng KPop boy group EXO ang unang South Korean na naging Global Ambassador ng fashion company Gucci.

Inanunsiyo ito ng kompanya noong Setyembre 16 sa Weibo.

Nag-debut si Kai sa Fall/Winter 2019 Eyewear global campaign ng Gucci, kung saan makikitang suot ng Korean icon ang dalawa sa mga eyeglasses ng kompanya at ang pulang beret na may nakaburdang “GG.”

Una rito, naging South Korean brand ambassador ang dancing powerhouse ng EXO.

Congratulations, Kai!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?