40

By ,

Kahit sino iharap, Ancajas maangas

Kasabay ng pagbabago ng kanyang kalaban, nagkaroon din ng pagbabago sa pagsasanay at ensayo ni Jerwin Ancajas sa Survival camp sa Magallanes, Cavite.

Unang napabalita na si Thai champion Srisaket Sor Rungvisai ang makakaharap ni Ancajas para sa isang unification bout pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin at si Japanese fighter Ryuichi Funai na ang challenger nito.

Ang World Boxing Council (WBC) super flyweight titlist na si Rungvisai ay mas piniling makipag-rematch kay Juan Francisco Estrada ng Mexico.

Bagama’t nagbago ang makakaharap nito sa lona, maswerte pa rin siya dahil hindi wala sa rurok ng kanyang pagsasanay si Pretty Boy.

“At least, we are now training for a particular style. Unlike before when we are still waiting for Srisaket’s answer,” sabi ni Joven Jimenez, chief trainer ni Ancajas.

Nagsisimula ang training ni Ancajas sa pagtakbo sa umaga habang nasa gym naman ito nagsasanay pero ang sparring sessions nito ay hanggang apat na rounds lang.

Ang importante, ayon kay Jimenez, ay mapagpatuloy nito ang kanyang pagpapakondisyon at kailangan nitong maging handa para sa kanyang pagdepensa na maaring maganap sa Abril 12 o Abril 20.

Kung sa Abril 12 ang Ancajas-Funai match, magiging chief support siya sa title defense ni Vasiliy Lomachenko sa Staples Center sa L.A. at kung sa Abril 20 naman ay sa bakbakang Terrence Crawford kontra Amir Khan sa Madison Square Garden sa New York.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?