286

Kahit ‘shitty’ si Duterte: Anak nina Kiko, Sharon masaya sa US

Masaya naman na ngayon ang anak nina Senador Francis “Kiko” Pangilinan at Sharon Cuneta matapos mang-akusa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinalalayas na ng kanyang nanay ang tatay.

Binahagi sa Twitter ni Frankie Pangilinan na masaya siya dahil bumagsak na ang niyebe at may nagbigay sa kanya ng mga puting tulip.

Sa note kasama ng mga bulaklak, humingi ng tawad ang nagbigay dahil “shitty” ang Pangulo.

“Sorry your president is shitty 🙁 Hope this cheers you up :)”

Matatandaang noong Nobyembre 30, sa isa na namang tirada kay Kiko, inakusa ni Duterte na pinalalayas na ito ni Sharon sa bahay nila.

“Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo,” hayag ni Duterte sa kanyang Bonifacio Day speech sa Caloocan.

Kahapon, pinabulaanan ng Megastar ang biro umano ng kanyang “Tatay” na si Duterte.

“Please rest assured that all is fine with my family. My stress comes from other people and things, but right now my family and marriage have never been happier!,” sey ni Sharon.

“If my husband and I separate, you’ll hear it from me! I don’t think anyone expects an announcement of this sort from the President of their country! Tatay likes to joke sometimes, as you all know, because Kiko’s in the Opposition. He has joked a few times against Kiko and about me in the past!,” saad niya pa.

Miyembro man si Kiko ng Liberal Party, nanatiling close ang Megastar kay Davao Mayor Sara Duterte na anak ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?