519

By

Kahit P10B pa! Vico Sotto hindi magpapasilaw sa pera

Klaro kay Pasig Mayor Vico Sotto, hindi siya papasok sa kahit anong uri ng korapsyon habang nanunungkulan sa gobyerno.

Sa Facebook page na Humans of Ateneo, binahagi ng batang Sotto kung paano siya nagsimula bilang public servant.

Muntik na umanong iwan ni Vico ang pagsisilbi sa taong bayan, ngunit nahikayat sa Ateneo School of Government at dito nanilbihan.

“Government watch and political democracy and reform yung programs ko, under din ng ASOG pero napaka-independent. I was there for less than a year, pero sa totoo lang, doon talaga ako nahasa. Especially with the way I think: how to push for governance reforms, inaral ko lahat ng ginawa nila in the past, at ano yung engagement nila sa local governments,” saad ng batang alkalde.

Matapos niya sa ASOG ay tumakbo na siya bilang councilor, at pasalamat siya na pumasok muna sa nasabing institusyon dahil naging handa siyang hindi masilaw sa kahit magkanong salapi.

“I wouldn’t be the same person. Malamang magiging corrupt na rin ako kung ganun. I strongly believe that anyone can be corrupt; we can’t think too highly of ourselves. Pag pumasok ka sa kaguluhang ‘yan, pag pumasok ka sa giyera na di ka handa, mawawala ka talaga. Kailangan talaga ng tamang preparasyon,” aniya pa.

“Malinaw sa akin na kapag merong nag-alok sakin, kahit 10,000 pesos lang yan o 10 billion pesos, wala na. I entered this na yun yung decision ko: no kickbacks. So, sige kung meron kayong gustong pag-usapan, sige pag-usapan natin. Kung tingin niyo may gray areas, sige, convince niyo ako, pero di ako tatanggap ng kickback, kahit isang piso.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?