43

Mar 27, 2020 @ 0:20
By

Kahit nasa Australia! Anne Curtis tumulong sa mga health worker

Nasa malayo mang bansa ang diyosang si Anne Curtis, hindi ito napigilan para tulungan ang mga kababayang nakikipaglaban sa coronavirus pandemic.

Nasa Australia ngayon si Anne kasama ang hubby niyang si Erwan Heussaff at doon nga pinanganak ang una nilang baby. Pero sa kabila nito, nagpadala pa rin ang aktres ng tulong sa pamamagitan ng kanyang personal wish-granting foundation na Dream Machine.

/

Nakapagpadala na ang grupo ng 50 galon ng alkohol at 3,000 disposable gloves sa Research Institute of Tropical Medicine, San Lazaro Hospital, Jose Rodriguez Memorial Hospital, at Lung Center of the Philippines.

Sa post ng Dream Machine dinaan ni Anne ang kanyang pasasalamat sa mga hospital personnel, “I just want to say maraming salamat po for your dedication and hard work. I pray for your safety and hope makatulong po ito. May God continue to bless and protect you.” (Gel Manalo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?