78

By

Kahit nakuha ang 4th pick: Pelicans tutol pa rin sa Davis-Lakers trade

Hindi pa rin ibibigay ng New Orleans Pelicans si Anthony Davis sa Los Angeles Lakers.

Ito’y kahit pa mayroon nang isa pang bala ang Lakers na pwedeng ipalit sa All-Star forward.

Sa nagdaang NBA Draft Lottery, nakuha ng Pelicans ang top pick, samantalang ang Lakers naman ay umakyat sa fourth pick mula sa projected 11th pick.

Ngunit ayon sa report ni Brian Windhorst ng ESPN, wala pa ring balak ang Pelicans sa anumang diskusyon sa pagitan ng Lakers management.

“From what I understand, the Pelicans are not interested in making a deal with the Los Angeles Lakers,” ayon sa report.

Matatandaan na ilang piyesa ang ini-offer ng Lakers para kay Davis, kasama ang kanilang mga young prospect na sina Kyle Kuzma, Brandon Ingram, Josh Hart at Lonzo Ball ngunit napurnada hanggang lumagpas na ang trade deadline.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?