221,464

Feb 6, 2020 @ 17:23
By

Kahit may travel ban: 350 Chinese nakapasok sa Boracay

Pinatututukan ni Senador Joel Villanueva sa mga awtoridad ang 350 turistang Chinese sa Boracay para makontrol ang posibleng pagkalat ng novel coronavirus.

Ayon kay Villanueva, dismayado siya dahil pinayagan ang mga turistang Chinese na makapasok sa Boracay sa kabila nang ipinatupad na travel ban ng mga gobyerno sa mga biyahero mula sa China.

“We need all hands on deck. We have a serious health crisis. We expect the cooperation of everyone to implement the ban,” pahayag ni Villanueva.

“Continuous arrival of tourists from China contradicts the necessary precautions we have to take given the situation. It is irresponsible to disregard the ban for profit,” dagdag pa nito.

Sabi pa ng senador, dahil sa pagpasok ng mga Chinese tourist, nalalagay tuloy sa panganib ang mga manggagawa sa isla gayundin ang mga residenteng nakatira roon.

“Allowing tourists from China, particularly Wuhan, to arrive in Boracay is irresponsible. It exposes workers, other tourists and residents at risk. It strains our limited resources, particularly our capacity to respond to public health emergency,” anang senador.

“We need everyone to cooperate so we can prevent the spread of the disease and limit the exposure of the public. Let’s follow the ban,” saad pa nito.

Nauna nang napabalitang dumating ang 350 Chinese tourist sa Borcay bago pa man mag-isyu ng direktiba ang Palasyo para sa pansamantalang pagbawalan na pumasok sa bansa ang mga biyahero mula China at sa kanilang special administrative region na Macau at Hong Kong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?