162

Jan 30, 2020 @ 17:48
By

Kahit may kaso na ng China virus sa ‘Pinas, publiko hindi dapat mabahala – DOH

Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque na kontrolado ng kagawaran ang sitwasyon at walang dapat ikabahala ang publiko dahil ginagawa nila ang lahat upang hindi kumalat ang virus sa bansa.

Nalaman na aabot na sa 29 ang persons under investigation (PUI) sa nCoV, lima sa kanila ang nai-discharge na sa ospital pero masusi pa ring minomonitor ng Department of Health.

Gayundin, nakatakdang magkaroon ng high level meeting ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease sa Enero 31 para talakayin ang mga dapat gawin ngayong may kumpirmado ng kaso ng nCoV infection ang Pilipinas gayundin ang mga development sa mga naturang kaganapan.

Patuloy ding nanawagan si Duque sa publiko na patuloy na maging mahinahon at vigilante sa harap ng kumpirmasyon na nakapasok na sa bansa ang nCoV virus.

“The DOH however continues to guarantee the public that all necessary precautionary measures are being taken to halt the spread of the virus,” anang kalihim.

“I assure the public that the DOH is on top of this evolving situation,” aniya pa.

Tiniyak ni Duque na gagawin ng DOH ang lahat ng precautionary measuren para maiwasan ang 2019 nCoV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?