31

By

Kahit may hiwalayang Disney-Sony: Spider-Man 3000, Iron Man magkasama

Hindi hahayaan nina Tom Holland at Robert Downey, Jr., gumanap sa Spider-Man at Iron Man, makaapekto sa kanilang pagkakaibigan ang sigalot ng Sony Pictures at Marvel Studios.

View this post on Instagram

We did it Mr Stark!

A post shared by Tom Holland (@tomholland2013) on


Bagaman hindi pa nagsasalita sa nasabing kontrobersiya, nag-post naman kahapon, Agosto 23, sa Instagram si Holland ng masasayang larawan nito kasama si Downey.

Sa unang tatlong kuha, mahihinuhang nasa outdoor hike ang dalawa. Kita naman sa huling larawan si Downey na may Spider-Man figure, at si Holland, Iron Man figure.

Gulantang ang mga fan nang inanunsiyo ngayong linggo na hindi na maglalabas ng Spider-Man franchise ang Marvel Studios dahil hindi magkasundo sa hatian ng kita ang Disney at Sony Pictures.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?