31
Kahit may Embiid: Russell, Nets ninakaw ang Game 1 vs 76ers
By

Kahit may Embiid: Russell, Nets ninakaw ang Game 1 vs 76ers

Walang talab ang pagsalang ni All-Star center Joel Embiid para sa Philadelphia 76ers sa unang laro ng 2019 NBA playoffs first round.

Ito’y matapos ungusan ng No. 6 Brooklyn Nets and third ranked Eastern team na 76ers para sikwatin ang series opener.

Umabot sa 25 ang abante ng Nets, hindi makaporma si Embiid dahil sa injured knee ngunit naglista pa rin ng 22 points, 15 rebounds.

Sinubukan ni Jimmy Butler maghabol, bumaba ang lamang sa walong puntos matapos ang kanyang tres, 62-54, ngunit nawalan nang katulong, ang isang star na si Ben Simmons ay nakasiyam na puntos lamang buong laro.

Samantala nagpasiklab naman si D’Angelo Russell sa kanyang unang playoff appearance, ipinukol ang mga mid-range jumper para maabot ang 26 points, sahog ang four assists, three rebounds.

Kanya ring nakatuwang sina Caris Levert (23 pts) at Spencer Dinwiddie (18 pts).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?