412

By

Kahit maraming kaso: Duterte pinalabas ng ‘Pinas si Misuari

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang namagitan para makaalis ng bansa si dating Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari.

Ayon sa Pangulo, nagkita at nag-usap sila ni Misuari Lunes ng gabi at ipinabatid na hindi siya makalabas ng bansa dahil sa mga nakasampang kaso sa Sandiganbayan at iba pang korte.

Sinabi ng Pangulo na inatasan niya sina Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Año, Defense Secretary Delfin Lorenzana at Presidential Adviser on the Peace Process Eduardo Galvez na gumawa ng paraan para kay Misuari.

Ang MNLF chairman ay dumalo sa pulong ng Organization of Islamic Countries.

Ayon kay Pangulong Duterte, tiniyak naman sa kanya ni Misuari na mag-uusap muli sila patungkol sa isyu sa Mindanao pagbalik nito sa bansa.

“There is Misuari. He was not allowed by the court to go out because he has pending charges when he was armed. So I had to make some arrangements. Sabi ko this is a personal request of me, which I do not do at any time, at any other time. Sabi ko palabasin nyo, for the sake of ..alam mo na because i still have to craft…,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na sa muling pag-uusap nila ni Misuari ay sisikaping magkaroon ng kasunduan para sa kapayapaan sa Mindanao.

Tutol si Misuari sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law dahil ang gusto nito ay ang isinusulong na federalismong sistema ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?