98

By

Kahit mahal: Syrian vlogger namigay ng N95 mask sa mga apektado ng Taal Volcano eruption

Hindi alintana ng isang Syrian vlogger ang pagsirit ng presyo ng mga N95 face mask matapos mag-erupt ang Taal Volcano.

Namigay si Basel, na mas kilala bilang Hungry Syrian Wanderer sa Facebook, ng mga libreng face mask na bumili ng ilang box nito at pinamahagi sa mga apektado ng ashfall.

“I bought everything I find (hundreds of box with 50 pcs masks each box, not bad) even its pricey to give away for free to anyone and bring to Batangas and Tagaytay myself,” saad nito.

“Its so sad to see on my news feed that some people sells or buy all stocks and resells them at a very high price as high as 200-400 each mask!”

Bukod pa dito, nais din niyang mamigay ng mga kumot, diapers, tubig at ilan pang basic necessity sa mga evacuation center sa Batangas.

“VOLCAN KA LANG, FILIPINO KAME,” sey nito sa kanyang post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?