266

By

Kahit magsara ang ABS-CBN: Vice Ganda, Kathniel, Sarah G tuloy ang kita – mga netizen

Higit dalawang buwan na lang ay posible nang mawala sa telebisyon ang ABS-CBN network na ngayon ay hindi pa nare-renew ang franchise na mapapaso sa katupasan ng Marso.

Kaya naman noong Biyernes ay nagsagawa ang National Union of Journalists of the Philippines ng signature campaign para subukang maisalba ang prangkisa ng naturang TV network, target ang isang milyong lagda para makumbinsi ang Kongreso sa franchise renewal ng Kapamilya network.

Sa kabila ng pagsasama-sama ng mga mamamahayag at indibiduwal mula sa ibang media entity, pinuna sa social media ang hindi pakikiisa ng mga mismong talent ng ABS-CBN para maipagtanggol ang kanilang kampanya.

Ngunit tingin ng ibang netizen, hindi na kailangan ng mga big star ng ABS-CBN tulad nina Vice Ganda, Sarah Geronimo at tambalang Kathryn Bernardo-Daniel Padilla na makialam sa isyu dahil kahit magsara ang TV network ay paniguradong tuloy ang buhos ng kita para sa kanila.

“Those ABS-CBN talent artists will hardly ever see the need to stand-up. They have endorsements and investments to secure their future sakali the worst case scenario comes true,” ayon kay @CebuanoBarBoy.

“Yung mga sikat na artista ng abs-cbn walang pakialam kasi marami na silang pera kahit mag sara network may pundar sila,” paliwanag naman ni @DulayAdonis.

“Kung ibebenta ang abs cbn hindi rin naman daw sila mawawalang ng trabaho. Tuloy pa din ang kita nila. Kaya wala silang paki alam,” tingin naman ni @MsEllaMondragon.

Si Vice Ganda ay may-ari na nang beauty brand na Vice Cosmetics, malakas din ang hatak sa takilya tuwing Metro Manila Film Fest, habang sina Sarah Geronimo at ang KathNiel ay sandamakmak ang endorsement, may fallback din dahil sikat na mang-aawit si Sarah G habang pinasok naman na ni Kathryn ang mundo ng vlogging.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?