50

Mar 14, 2020 @ 18:11
By

Kahit limitado sa 2 per tao, alcohol ubos pa rin

Walang mabiling alcohol sa ilang mga grocery, convenience store at drug store sa Las Piñas at Alabang nitong Sabado, Marso 14 sa kabila ng paniniguro ng Department of Trade and Industry na may sapat na suplay at kahit pa inilimita na ang mabibiling bote nito sa dalawa kada isang tao.

Sa grocery sa Robinsons Las Piñas, may mabibiling mga noodles, de-lata at iba pang basic necessities ngunit walang alcohol na mabili rito.

Wala ring alcohol na mabili sa South Star pharmacy sa loob ng mall.

Sa Landers sa Daang Hari ubos na rin ang alcohol.

Nag-post ito nung Huwebes ng photo na nagpapakitang marami itong stock ng alcohol at nililimita nito ang mabibili ng isang kustomer sa dalawang bote lamang sa isang araw.

Wala ring mabiling alcohol sa Mercury Drug sa Alabang-Zapote Road pati na sa South Supermarket sa Filinvest City sa Muntinlupa at sa Generics Pharmacy sa baba nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?