112

By

Kahit kaya: Fajardo bawal ma-in love sa tres

Sa naging laban ng San Miguel kontra NLEX, isang bihirang basket ang pinakawalan ng five-time PBA MVP na si June Mar Fajardo.

Sa unang canto, ibinuslo ni Fajardo ang isang three-point basket para paduguin ang kalamangan sa dalawang dosena, 28-4.

Ayon kay Fajardo, kinailangan niyang itira ang corner three dahil sa nipis ng shot clock, at mabuti aniya ay pumasok ito.

“Dying seconds, kailangan ko itira. Mabuti pumasok. Tsamba,” ani ni ‘The Kraken’.

Ngunit kahit pinatunayan ni Fajardo na kaya niyang magbuslo sa rainbow country, mukhang matatagalan pa ulit bago siya sumubok muli sa regular season.

“Siguro, siguro. Pero dito sa PBA, hindi yun yung laro ko. Sabi nga ni coach wag main-love sa threes kasi hindi yun yung laro ko. Ipaubaya ko na lang kina Marcio [Lassiter] at sa mga shooters namin,” saad niya.

“Kung bakante, why not ‘di ba? Pero paminsan-minsan lang.”

Tumapos ng may 27 points at 13 rebounds si June Mar para sa ikalimang panalo ng Beermen ngayong kumperensya, sapat sa solo third spot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?