634

Feb 20, 2020 @ 12:42
By

Kahit hindi pa nagkikita: Julia Barretto inisip ang laplapan kay Tony Labrusca

Nang malaman ni Julia Barretto na si Tony Labrusca ang kanyang makakapareha para sa susunod niyang project, iba agad ang pumasok sa isip nito.

Laplapan.

“Nung pinitch pa lang sa akin na Tony Labrusca, [sabi ko] ‘Oooh daming laplapan?” ayon kay Julia sa press conference ng kanyang bagong serye na “I Am U”.

“Di ba kasi galing siya ng ‘Glorious,’ tapos sabi ko ‘Oh, so maraming ganun?’” sey pa ng Kapamilya actress. “I heard of Tony first dun sa ‘Glorious,’ so sa akin, bago ko pa siya na-meet, parang ganun na talaga yung [image] ni Tony na sexy, hot and steamy.”

Ang ‘Glorious’ ay handog ng iWant kung saan tungkol sa May-December love affair na ginampanan ni Tony at Angel Aquino.

Happy naman si Julia na makatrabaho si Tony, na kanyang pinagkatiwalaan pagdating sa mga kissing scene.

Ang ‘I Am U’ ay ipapalabas din sa iWant, ito ay tungkol sa storya ni Rose, na ginampanan ni Barretto, kung saan nakilala nito ang kanyang doppelganger na si Elise.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?