615

Apr 7, 2020 @ 15:38
By

Kahit ‘di botante, bigyang ng tulong – Mayor Donya Tesoro

Maingay ngayon ang pangalan ng magandang alkalde ng San Manuel, Tarlac, kaya naman todo reto ang mga netizens sa kanya para kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Pero hindi lang sa kanyang kagandahan sumisikat si Mayor Tesoro ngayon, kung hindi maging sa kanyang mga aksyon at tulong na ginagawa sa kanyang mga nasasakupan.

Sa naging ekslusibong panayam nga ng Abante Radyo Tabloidista sa kanya ay iginiit ni Mayor Tesoro na kailangang lahat sa kaniyang nasasakupan ay makatatanggap ng ayuda at hindi lang ang mga rehistradong botante.

Ayon sa kanya, dapat lahat ng pamilya ay may makuhang relief goods sa kanilang lugar.

Aniya, “I-entitle mo rin sa relief goods, hindi porke hindi sya bumoboto don ‘di ba? Taga dito o hindi, basta per family dapat may relief goods.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?