586

By

Kahit anong resulta, panalo kami – LP president Kiko Pangilinan

Wala mang nakapasok na opposition senatorial bet sa Magic 12, positibo pa rin ang tingin ni Liberal Party president Kiko Pangilinan.

Ayon sa statement ni Pangilinan, kanyang tinitingnan na ang hinaharap at sa naging karanasan ngayong eleksyon, alam na umano nila ang kanilang kalakasan.

“We have flexed our democratic muscles and we know our strength,” saad ni Pangilinan.

“And all these are what we will take in the next battles because there will be more. But then, there will be more of us [in] our ranks as well.”

Kanya pang sinabi na hindi umano nakabase sa resulta ang kanilang panalo.

“[R]egardless of the outcome, we have already won,” aniya pa.

Sa 5:50 am na official and partial result, nakapwesto si Bam Aquino sa ika-14 pwesto, habang si Mar Roxas naman ay nasa 16th.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?