1,673

By

Kahit anong desisyon sa PET: VP Leni ‘di mapapatalsik ni Bongbong

Mapapanatili ni Vice President Leni Robredo ang kanyang posisyon bilang second highest official ng Pilipinas kahit pa anong maging desisyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa election protest ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon kay election lawyer Atty. Romulo Macalintal, ang legal counsel ni Robredo, hindi pa rin sapat na batayan ang magiging resulta sa initial recount ng mga balota sa tatlong probinsya para pumabor kay Marcos.

“If the PET says that Marcos has made a substantial recovery, then the PET will rule that the protest shall continue, insofar as the ballots and/or election returns questioned by Marcos from 22 remaining provinces and 5 highly urbanized cities,” ayon kay Macalintal.

“In which case, Robredo remains as Vice President pending recount of ballots or returns from said 22 provinces and 5 HUCs,” aniya pa.

“Thus, whatever will be the forthcoming resolution or decision of the PET, VP Leni remains as Vice President.”

Nasa 260,000 boto ang kamang ni Robredo kay Marcos sa 2016 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?