168

By

Kahit almires, ibabalibag kay Jones

Lahat ng malingunan, ibinato ni San Miguel Beer coach Leo Austria kay Terrence Jones.

Lahat, hindi umubra.

Kung may almires siguro sa tabi ng seven-time champion coach, binalibag niya na rin para mapigil ang TNT import.

Sa pangunguna ng dating Houston Rocket, hinarabas ng KaTropa ang Beermen tungo sa 109-96 victory sa opener ng PBA Commissioner’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Naglista ang leading Best Import candidate ng 41 points, 12 rebounds, 8 assists at 3 blocks, sinindihan ang 18-0 tear para baliktarin ang 19-17 deficit tungo sa 35-19 lead katapos ng first quarter. Mula roon, hindi na sila lumingon at dumistansiya pa hanggang 78-55 sa third.

‘Di umubra ang balasa ni Austria sa kanyang starting lineup, unang itinapat si Christian Standhardinger kay Jones. Sumunod sina Arwind Santos, Kelly Nabong at huli ay ang dating Defensive Player of the Year na si Chris Ross na.

Tumira si Jones ng 14 of 23 mula sa field, 4 for 7 sa 3-point range. Nahawa rin sa kanya ng mga kakampi, apat pa ang nagsumite ng 11 points pataas sa pangunguna ng 20 ni Jayson Castro at 16 ni Troy Rosario.

“Everybody was locked in and we knew how important Game 1 was,” ani Jones. “We just, you know, are consistently saying, take it one game at a time. We’re focused on each quarter, and just trying to win the quarter.”

Kasabay sa pag-init sa depensa ay naghigpit din ang depensa ng KaTropa, napigil ang mga kamador ng Beermen tulad nina Ross at Alex Cabagnot na may pinagsamang 10 points lang mula sa combined 4 of 11 shooting.

Nakapagsumite si Chris McCullough ng mula sa 10 of 19 shooting, si June Mar Fajardo ay tumapos ng 23. Sa third ay nagkamada ng 10 si McCullough at 12 kay Fajardo, pero ‘di nailapit ang SMB na iwan pa rin 87-72 papapasok ng fourth.

Game 2 bukas sa Big Dome rin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?