32

By

Kagawad tinodas sa piyestahan

Nasawi ang isang barangay councilor matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang na gitna ng kasiyahan ng piyesta, Lunes ng gabi sa Esperanza, Masbate.

Dead on the spot dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Domingo Barotil, 47, kagawad ng Barangay Putingbato ng nasabing bayan.

Samantala patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na agad tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat naganap ang insidente alas-10:30 ng gabi sa Sitio Lunas 1, Barangay Putingbato ng nabatid na bayan.

Nabatid na piyesta sa nasabing barangay at kasalukuyang nakikisaya ang biktima nang bigla na lang siyang pagbabarilin ng suspek.

Nagtamo ng mga tama ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad binawian ng buhay habang ang suspek naman ay agad tumakas patungo sa hindi batid na lugar.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaslang at kung sino ang responsable dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?